Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Mukhang tuloy-tuloy na ang pagpasok ni Maine Mendoza sa music industry at may negosasyon na ang phenomenal star at Universal Records para dito.

Trending topic kasi sa Twitter PH ang hashtag na #MaineForUniversalRecords nang may mga pahaging sa social media tungkol sa topic na ito.

Nai-tweet ng composer na si Ito Rapadas ang tungkol dito pero walang mukha sa litrato. “Bottom half of my pic with…Soon!!!”

Si Jed Madela na recording artist ng Universal Records ang excited sa balitang ito dahil pangarap daw niyang makabiritan si Maine.

Natuwa naman ang big boss ng Universal Records na si Kathleen Dy Go dahil nag-trending ang balitang ito.

Naglabas pa siya ng photo kasama ang isang girl na suot na jacket na may tatak na Universal. Abangan! (John Vincent)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..