Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Sa June 17 na ang pagdiriwang ng Father’s Day at may advance na regalo si Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa kanyang amang si Bong na nakakulong ngayon sa Camp Crame, ang kanyang college diploma.

Nagtapos si Jolo ng Bachelor of Arts-Major in Legal Studies sa ilalim ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program ng Lyceum of the Philippines University sa Cavite.

Tinapos ni Jolo ang kanyang pag-aaral kahit na ginagampanan niya ang kanyang responsiblidad bilang bise-gobernador ng Cavite, bukod sa lumalabas siya sa Ang Probinsyano at gumagawa ng pelikula, ang Tres na isasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino sa August 2018.

Dahil hindi pinayagan ng korte ang amang si Bong na dumalo sa graduation, si Bacoor City Mayor Lani Mercado na lang ang sumama sa graduation ni Jolo. Congratulations Jolo! (John Vincent)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..