Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Marami ang nagulat nang makita si John Lloyd Cruz na dumalo ito sa preliminary investigation ng child abuse and cyber crime na kasong isinampa laban kay Ellen Adarna nang nakaalitan nito sa social media.

Medyo nag-iba daw ang hitsura ni John Lloyd, parang nag-mature daw hindi tulad ng dati na medyo batang tingnan. Pero hindi naman daw nakakatakot ang hitsura, nag-mature lang.

Tahimik lang daw nang dumalo si John Lloyd sa hearing. Hindi rito nagpaunlak ng interview dahil mukhang suplado noong oras na iyon.

Hindi nakadalo si Ellen sa hearing dahil nagluluksa pa ito sa pagkamatay ng ama bukod sa malapit na rin itong manganak. Sinamahan lang ni Lloydie ang legal counsel ni Ellen. (John Vincent)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..