Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Kinumpirma ni Coco Martin na tuloy ang pelikula nilang ni Vic Sotto na kasali sa Metro Manila Film Festival 2019.

Sabi ni Coco, excited na nga raw siya dahil matagal na niyang gusto makatrabaho si Bossing.

“Matagal ko nang pangarap na magkatrabaho kami ni Bossing. Pinalad naman na pinagbigyan niya ako, sana magdire-diretso,” sabi ni Coco.

Inaasahang makakatapat ng pelikula ni Coco at Bossing ang movie naman ni Vice Ganda kung makakasama naman niya si Richard Gutierrez.

Pero nilinaw ni Coco na huhuwag kulayan ang ang muling pagtatapat nila ng kaibigan niyang si Vice.

“Actually, di namin iniintindi yun. Ang layunin namin kasi mapaligaya namin ang mga manonood,” sambit nito. (John Vincent)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..