Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Sumalang sa ilang cosmetic procedures si Vice Ganda para lalo pa siyang gumanda.

Inamin ito ni Vice sa episode ng Gandang Gabi Vice nitong Linggo.

Naging interrogator si Gus Abelgas sa “Guily Or Not Guilty” segment ng show kung saan si Vice ang sasagot sa mga tanong.

Tinanong ni Gus si Vice kung nagpaopera ba ito para magpaganda.

“Opera ba yon? Hindi naman kasi opera, parang procedure lang,” sagot ni Vice.

“Pag tinurok yung mukha mo, opera yon?

“Di ba, di naman opera yon?”

“Hindi po ako nagpa-opera, may mga procedure lang,” paglilinaw pa ni Vice.

Ilan sa mga procedure ay ang pagtanggal ng taba sa kanyang baba at sa kanyang cheeks. (John Vincent)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..