Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Todo na ang pahahanda ni Anne Curtis sa kanyang huling concert na gaganapin sa August 18 sa Smart Araneta Coliseum.

Ang title ng concert, “AnneKulit” ay celebration na rin ng kanyang 21st anniversary sa entertainment industry.

Sa last concert ni Anne noon, sabi niya huli na raw iyon pero humirit pa ang fans na isa pa kaya naman pinagbigyan niya ang mga ito.

Sa ngayon ay pinag-iisapang mabuti ni Anne ang mga gagawin niyang mga pakulo sa concert dahil gusto bonggang-bonga ito. Lucky numbers ang concert date na pinili niya, ang 8-18-08.

Hindi muna nagpahapyaw si Anne sa kanyang iimbitahang guest pero posibleng mag-guest diyan si Vice Ganda na kanyang sisterette in real life. (John Vincent)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..