Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

bong-go-kris-aquino-mocha-uson

Tuwang-tuwa naman si Kris Aquino matapos siyang tawaging Reyna ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

Pero bago ito, nag-post muna si Mocha sa kanyang blog ng photo Bong Go.

“Gusto ko lamang po sabihin at linawin sa lahat – wala pong hidwaan sa aming da­lawa ni SAP Bong Go.

Mahal at suportado ko po siya. Move on na po tayo. Lahat tayo ay niloloko ng isang drama queen. Sinubukan tayong i-divide para sa sarili niyang pang-interes. SOLID TAYO! Walang bibitaw!” sabi ni Mocha.

Nakisawsaw naman ang blogger at friend ni Mocha na si Sass Rogando Sasot, at sinabing “Every KRISis presents both a danger and opportunity. After this, both Mocha and BG will become stronger. World peace and loving kindness! Thank you Panty!”

Sagot naman ni Mocha “Walang KRISis ang makakatibag satin acheh! Solid! For the Motherland.”

Ipinost naman ni Kris sa kanyang Twitter ang blog post ni Mocha kasama si Bong Go, at sinabing, “ “OMG I LOVE IT! You finally got something right, I AM A QUEEN!”. (John Vincent)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..