Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Todo na ang paghahanda ni Liza Soberano ngayon para sa kanyang nalalapit na pelikulang Darna.

Panay na ang kanyang training nitong nagdaang mga araw kasi nga naman malapit na niyang isuot ang costume ni Darna.

Sa kanyang Instragram post, sunod-sunod ang pagsasanay ni Liza, mula boksing hanggang muay thai. Tagaktak ang pawis subalit nanatiki pa rin ang ganda.

Sa porma na kanyang katawan, makikitang mahaba ang kanyang mga leeg, lumiit ang kanyang mukha, at nagkaroon na din ng muscle ang kanyang mga braso.

Kapansin-pansing pumayat na si Liza. Pero dapat lang dahil maraming nag-aabang kung gaano siya kaseksi sa kanyang isusuot na costume na Darna.

“It doesn’t challenge you, it wont change you. #DarnaTraining,” sey ni Liza sa photo niya.

Inaabangan ito ng tao dahil siguradong ikukumpara siya kina Marian Rivera at Angel Locsin na nauna nang nagsuot ng costume ng Darna. Abangan! (John Vicent)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..