Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Tanggap na ni Kris Aquino na natalo siya ni Mocha Uson sa kanilang bangayan dahil nasaktan siya nito.

“Mocha you win. You win because you hurt me, and I think that’s what you wanted to do.

Nanalo ka dahil patuloy mong inapak-apakan ang pagkatao, ang alaala ng dalawang tao na pinakamamahal ko.

“‘Yung sinabi kong ‘di kita uurungan? Nagdasal ako at na-realized ko, bakit pa? Kahit anong gawin na kabutihan na ipakita ko sa inyo, kahit anong pagsubok ko na maayos natin ito, ayaw ninyong ayusin eh,” sambit pa ni Kris.

Ayon pa kay Kris, “‘Yung sinabi ko kagabi na may boses ako, na binigyan ninyo ako ng boses? Totoo naman yon eh. Nag-iisip po talaga ako ngayon, sincere ako. Paano ko ba magagamit iyang boses na yan, dahil nakikinig kayo sa akin.

“On Facebook alone, I was told that live has had more than five million views, so maybe my voice matters.

“I have contracts, contracts to prevent me from running. Contracts that I signed. But maybe you need a voice.

“I’ll pray, I will pray about what is best for me to do. Pero baka mas maganda na hindi nga ako humingi ng posisyon, hindi ako maging elected official para patuloy ninyo akong pakinggan. Kasi pag naging parte na ako ng senado, sasabihin ninyo naging kagaya lang ako nila, eh ngayon, pantay pantay tayong lahat. Siguro, yun eh. Dun ko tatapusin ito. Pantay-pantay tayong lahat, lahat tayo naranasan na nating maapakan, lahat tayo naranasan bastusin ang dignidad natin. Pero hindi ako pinalaki para sumuko kahit gaano kapagod, pero hindi rin ako pinalaki para mambastos.

“Nananawagan na lang ako ngayon doon sa taong nakinig sa akin. Sir Bong Go alam kong aabot ito sa iyo, ‘yung hiningi ko sa ‘yo, ‘yung sinabi ko sa ‘yong ikaw lang ang may kapangyarihan na puwedeng mangyari yon, sana gawin mo dahil umaasa ako sa ‘yo.
“Sana po pansinin n’yo, sa buong salitang ito, ni minsan wala pong batikos kayong narinig, hindi yan ang pagpapalaking ginawa sakin.

Sa kanyang pagtatapos, sinag-ayunan naman ni Kris ang pahayag ni Mocha na ang paglabas ng kanyang video ay hindi tungkol sa kanya.

“Mocha, I’ll end this. You’re right, this was not about Kris Aquino, this was a reminder that Filipinos still love and respect Cory and Ninoy Aquino,” ani Kris.

Subalit handang huli mukha palaban na naman si Kris muling hinamon ang dating entertainer.

“i was asked by my sisters to be humble & i tried, but i’m sorry- she doesn’t deserve my #humility. Pasensya na po, MATIGAS ANG ULO NG BUNSO… Anywhere, anytime… FACE TO FACE, i challenge you to show me your courage…” #LABANKRIS” (John Vincent)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..