Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Bibida si Kiko Estrada sa isang adult film na pinamagatang “My Stepmother’s Lover”.

Makakasama ni Kiko sa movie sina Sunshine Cruz at Martin del Rosario. Isasali ang movie sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

“I have to buff up a bit so I’ve been eating,” sabi ni Kiko.

“Maganda yung twist. Actingan po ito and we’re submitting it for Pistang Pinoy.”

Inamin din ng actor na nagpakita siya ng kanyang puwet sa movie na idinirek ni Adolf Alix Jr.

“There is butt exposure. We shot it in an elegant way.

“Hindi ko alam kung paano ako magrereklamo sa isang award-winning director na sinabi naman sa iyo kung paano isu-shoot.

“At alam naman kung paano maalaga si Direk Adolf, e.

“Kumbaga kapag pinanood mo siya in total, hindi mo iisipin na ganun. Iisipin mo na, ‘Ay may istorya, ganun yung character niya kaya ganito.” (John Vincent)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..