Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Kinastigo ni Kris Aquino si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson sa pagkaladkad sa kanyang mga magulang para lang pagtakpan ang controversial na kiss ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang overseas Filipino worker (OFW) sa South Korea.

Noong Martes nag-post Mocha sa kanyang Facebook page ang isang lumang video footage ng kanyang amang si Benigno “Ninoy” Aquino Jr., bago siya pinaslang noong 1983.

Sa naturang video, makikita ang dalawang babaeng humalik kay Aquino bago ito bumaba sa eroplano.

Doon na naglintaya si Kris sa dating entertainer na si Mocha.

“Marami akong pinalagpas. Binalahura mo na ang buong pagkatao ng pamilya namin… Mapapansin mo si Noy hindi parte ng video ko dahil BUHAY sya. Kaya nyang depensahan ang sarili nya. Pero nung napanuod ko yung inupload mo para depensahan si presidente Duterte (na ni minsan hindi ko pinakitaan ng hindi maganda) alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Sinariwa mo ang sugat sa puso ng isang batang 12 years old nung pinaslang ng walang kalaban laban ang kanyang ama,” pahayag ni Kris sa kanyang Instagram account.

Sabi ni Kris, napaiyak daw siya nang mapanood ang video at nainggit sa dalawang babae na nakahalik sa kanyang ama bago ito pinaslang.

“Umiyak ako ng tuloy tuloy dahil NAINGGIT ako sa 2 babaeng nakahalik sa Dad ko bago siya napatay,” sambit ni Kris.

Kinastigo din ni dating entertainer na si Mocha dahil sa pambabastos diumano nito sa kanyang ina na si dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino.

“Nangako akong hindi kita papatulan – – this time you crossed the line. You reminded me how much I hurt my mom nung buntis ako kay Josh & na disown ako pero nung 1 month si kuya – naglakas loob akong pumunta sa Times Street & once kinarga nya yung apo nya – sya na yung pinaka nagmahal sa akong may autism.

Pinaalala mo na nung issue namin joey, nung umamin ako sa STD, niayakap lang ako ng nanay ko. Sa lahat ng naging palpak sa buhay ko – siguro ang kaibahan namin – WALA KAMING PINAGTAKPAN.

Inako ko lahat ng mali ko at dahil nga minahal ako ng nanay ko at gusto kung maging mabuting ina – sinisikap kong ayusin ang buhay ko. Kaya ngayon hihiramin ko ang salita niya: TAMA NA. SOBRA NA…

Panghuli, sinabi ni Kris ano man ang paninirang gawin sa kanya ni Mocha, tiyak aniyang hindi niya ito uurungan.

“Kung may gusto kang punching bag, please ako na lang. Kasi buhay ako, kaya kitang sagutin. At hindi kita uurangan,” lahad pa ni Kris. (John Vincent)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..