Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Sukdulan na ang pagka-inis ni Kris Aquino kay Presidential Communications Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson.

Ito’y matapos mag-post si Mocha ng isang video ng yumaong senador Ninoy Aquino Jr. at ikumpara ito sa paghalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang Pinay sa South Korea.

Binigyan ng Queen of All Media na si Kris si Mocha ng babala dahil nakahanda siyang makipagtuos dito sa dahil sa pambabatos sa kanyang mga mag-ulang na sina dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino at dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino.

“I am giving you fair warning, isa pa na bastusin o babuyin mo ang tatay o ang nanay ko, magtutuos tayo,” hamon ni Kris kay Mocha.

Handa rin si Aquino na makipagharap o makipag-debate kay Uson anumang oras at kahit saan man kung talagang naghahanap ito ng kaaway.

Aniya, magandang gayahin ang eksenang sa pelikulang ‘Four Sisters and A Wedding’ kung saan kinaladkad habang sinasabunutan ng aktres na si Angel Locsin ang karakter ni Uson.

“You wanna do that scene with me? You want na ako ikaw, at ikaw bilang si Angel? Gawin natin para matigil ka na lang,” patutsada ni Kris.

Ayon pa dito, ginagawa niya ito para ipagtanggol ang kanyang mga magulang sa pambabastos ni Mocha at para maging magandang halimbawa sa kanyang mga anak.

Pagliwanag ng bunsong kapatid ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, hindi niya ito ginagawa dahil tatakbo siya sa anumang posisyon sa gobyerno at inamin na posibleng may umatras siyang mga endorsements dahil sa kanyang ginagawa.

Sa huling bahagi ng live video, sambit pa ni Kris, “God bless our country. Please God bless us with peace, God bless us with leaders we deserve. God bless us with the courage to speak up for people we love.” (John Vincent)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..