Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Kinasuhan na sa Taguig Prosecutor’s Office ang dalawa suspek na sumaksak sa dalawang ng Philippine Basketball Association (PBA) na sina Jeron Teng, Norbert Torres at dating La Salle varsity player na si Thomas Torres.

Kasong frustrated homicide ang inihain laban sa mga suspek na sina Edmar Manalo Lacanlale, 40 anyos, Fil-American, at Willard Balisi, 37, diumano ay American citizen.

Humingi naman ng preliminary investigation ang mga suspek sa kanilang pagharap sa piskalya.

Pumirma ang dalawa sa waiver of detention na nangangahulugan na mananatili silang nakakulong sa piitan ng Taguig Police habang may preliminary investigation sa reklamo na kanilang kinakaharap.

Ang preliminary hearing ay itinakda sa Hunyo 11.

Sabi ni Atty. Howard Calleja, abogado ng mga biktima, patuloy pa silang kumakalap ng impormasyon at may mga nag-aalok din sa kanila ng tulong para makapagsampa ng mas mataas pang kaso laban sa mga suspek. (John Vincent)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..