Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Isa si Gretchen Ho sa mga taong hindi nagustuhan ang ginawang paghalik sa labi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang overseas Filipino worker (OFW) sa South Korea kamakailan.

Sa kanyang tweet, dismayado si Ho sa Presidente dahil kahit aniya lider siyang bansa, hindi dapat gawing biro ang paghalik sa OFW para lang mapasaya ang mga tao na andoon.

“Clearly inappropriate,” tweet ni Gretchen.

Nauna rito, kinondena rin Senadora Risa Hontiveros ang panghahalik ni Duterte sa OFW na tinawag niyang pag-abuso sa kanyang kapangyarihan.

“It was a despicable display of sexism and grave abuse of authority. President Duterte acted like a feudal king who thinks that being the President is an entitlement to do anything that he pleases,” ani Hontiveros.

Iginiit naman ni Hontiveros na huwag husgahan ang OFW na nagpahalik sa Pangulo.

Ang Pangulo aniya ang pinuno ng bansa at tinatawag pang “tatay” kaya ito ang dapat na umayos ang kilos. (John Vincent)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..