Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Maraming naiinis kay Morissette Amon nang maka-duet nito si American Idol finalist na si Jessica Sanchez sa ASAP noong Linggo kung saan kinanta nila ang Stone Cold ni Demi Lovato.

Reaction ng netizen, trying hard daw si Morisette na nagpumilit na sapawan si Jessica sa pagkanta subalit wala naman daw itong binatbat sa Fil-Mexican na si Sanchez.

Malayong-malayo daw si Morisette kay Jessica dahil may class daw ang huli samantalang siya naman ay mukhang feelingera at starlet.

Trending topic ang duet na ‘yun, pero umani rin nga ng maraming nega comment against the homegrown talent ng ABS-CBN.

Meron namang mangilan-ngilang nagtanggol ay Morisette at sinabing wala naman silang nakitang masama sa duet ng dalawa. (John Vincent)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..