Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Masayang-masaya si Kris Aquino dahil may bagong “James” na pumasok sa kanyang buhay.

Dahil nabanggit ang pangalan ni James, inakala ng kanyang mga follower na si James Yap iyon, pero iba naman palang James ang kanyang tinutukoy.

Ang binabanggit ni Kris ay si James Lim na Nutriasia na kumuha sa kanya at dalawang niyang anak na sina Joshua at Bimby para maging endorsers ng kanilang produkto.

“Thank you to the new James in my life, @jampackedbear, #nutriasia’s Corporate Communications & Digital Head. Thank you for the trust & the privilege you’re giving Bimb & me to endorse 3 of your products! May bagong James (Lim) na pumasok sa puso ko… thank you @castroprph & @martincastaneda8 for connecting us! #grateful #blessed #loved,” sambit ni Kris.

Nag-react naman ang ilan fan nito at sinabing hindi pa rin talaga nakaka-move on ang actress kay James Yap.
@lolamaja.dera ‘You always have to throw shade, don’t you? Move on na, girl!’

Sagot naman ni Kris, ‘@lolamaja.dera kaya nga po nakangiti & kayang magbiro. I can laugh at life’s coincidences & count my blessings – that’s why I’m living & really winning.’ (John Vincent)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..