Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

May pakiusap si Sunshine Cruz sa netizen na huwag idamay ang kanyang mga anak sa kinasasangkutang gusot ng kanyang dating asawang si Cesar Montano ang dating head ng Tourism Promotions Board na sangkot sa maanomalyang Buhay Carinderia’ project.

May ilang bashers kasi ang nagsabing ang pagkain at mga damit na sinusuot ng mga anak ni Sunshine ay galing sa perang kinita diumano ni Montano sa nasabing katiwalian.

“People are now questioning the food we eat and clothes my children wear because of a person who we/they don’t get to see anymore.

“I told my kids not to be embarrassed kasi pagkain, damit ultimo sasakyan nyo ako ang bumili para sa inyo. Nagtatrabaho ako ng maayos at nagpupursige para sa mga anak ko.

“Kung may kasalanan sa inyo ang ibang tao, don’t involve other people especially my children.

“Mula 2013 nagawa kong magtrabaho at buhayin ang mga anak ko sa maayos na paraan at pagtatrabaho ng maayos bilang artista.”

Wala namang direktang tinukoy si Sunshine subalit halatang ang dating niyang asawa ang kanyang pinatatamaan. (John Vincent)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..