Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Aminado si Jake Zyrus na naging kumpleto na ang kanyang pagiging isang lalaki nang mag-topless siya sa isang beach sa Cagayan noong Marso.

“The moment I took it off, ‘yung moment na ‘yon, parang doon lang talaga ‘yung sobrang legit na naramdaman ko na ito na talaga ‘yon, ‘yung feeling talaga na wow, kumpleto na ako,” pahayag ni ng singer sa panayam sa “Tonight with Biy Abunda”.

Ayon pa ay Jake, noon daw ay takot siyang magpunta siya sa beach dahil ‘insecure’ siya sa kanyang katawan.

“Sa totoo lang po, hindi po talaga ako mahilig sa beach. Takot ako na nakikita ako ng tao, insecure [kasi ako].

Parang feeling ko hindi ako makakapag-enjoy. But that day was different,” pagbabahagi ni Jake kay Boy Abunda.

Naging komportable lang umano siya nang mag-topless siya sa beach kasama ang kanyang mga kabigan.

“Una, tinanong ko pa sila kung okay lang ba na tanggalin ko ‘yung sando ko… They were all like, ‘Ano ka ba! Oo naman. Take it off!'”, saad pa nito. (John Vincent)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..