Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Bilang respeto umano sa kanyang current non-showbiz girlfriend na si Melissa Gohing, nagkusa na si Kapuso actor Rocco Nacino na burahin ang mga larawan ni Sanya Lopez sa kanyang Instagram at in-unfollow na rin ito ng aktor.

Pero isang netizen na fan ng tambalang Rocco-Sanya ang pumalag sa ginawa ng aktor at sinisi si Melissa dahil dito.

(@_RocsanLovers): @GOHINGMELISSA are u that kind of gf? If i were rocco, im not going to like a kind of girl like u, that attitude ur showing,isn’t obvious ur pretending girl everyone is talking about u that ur the reason why lots of pic of rocsan has delete on rocco’s ig and he also unfollow sanya.

Ipinagtanggol naman ni Rocco ang non-showbiz girlfriend at sinabihan ang naturang netizen.

(@nacinorocco): Ako na nagkusa gumawa ng mga yan, in respect to having a girlfriend, so its not fair na tinitira nyo sya. Easy lang ah, back off from melissa okay? Nakakaturn off ka naman.

Pati si Melissa ay hindi rin nakaligtas sa hate message pero hindi ito pinatulan ng volleyball athlete.

(@GOHINGMELISSA): God bless your soul. I’ll pray for you. #NoHateButLove.

Kinumpirma ni Rocco na may relasyon na sila ni Melissa noong Marso, 2018 kung saan noong 2017 pa umano nagsimulang mag-date ang dalawa. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..