Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Pasok sa grand finals ng “Tawag ng Tanghalan” ng “It’s Showtime” sina Janine Berdin at Reggie Tortugo.

Nabigo noon sa pag-arte si Berdin habang si Tortugo ay beterano na sa mga singing contest.

Nakakuha ang dalawa ng pinakamataas na score sa semifinals na ginanap noong Biyernes.

Winning piece ni Berdin ang “Skyscraper” ni Demi Lovato na nakakuha ng pinagsamang score mula sa judges at public votes na 97.98%.

Malayo naman ang agwat ni Tortugo sa nakuhang 60.84% pero naging sapat para makapasok siya sa finals at magkaroon ng tsansa na maiuwi ang championship.

Kinanta niya ang “Love Of My Life” ng South Border.

Karambulan nila sa pinale ang mga nauna nang finalists na sina Tuko delos Reyes, Sofronio Vasquez, Makoto Inoue, Steven Paysu, Jovany Satera, Alfred Relatado, Anton Antenorcruz at Remy Luntayao. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..