Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Makikitang walang “bitterness” sa pagitan ng dati at kasalukuyang karelasyon ni Jericho Rosales.

Nagbigay nga ng kanyang congratulatory message ang misis ni Echo na si model Kim Jones sa pagbubuntis ni Kapuso actress Heart Evangelista.

Matatandaang matagal ding naging girlfriend ni Jericho si Heart bago si Jones.

Nag-break sila ni Heart noong 2008. Tinawag ni Echo si Heart na kanyang “greatest love” habang si Heart naman ay “one true love” ang mister ni Jones.

Inulan ng well-wishes ang Instagram post ni Heart tungkol sa pagbubuntis niya pero isa sa mga nag-stand out dito ay ang pagbati ni Jones.

“Major! Congratulations to you both!” sabi ni Jones, na sinagot naman ni Heart ng “thank you”. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..