Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Sa unang pagkakataon ay nakita ng publiko si John Lloyd Cruz na dumalo sa isang event.

Sa video na ipinoste ng ABS-CBN News, naispatan si John Lloyd na may bagong hairstyle sa art exhibit sa University of the Philippines.

Nang lapitan siya ni ABS-CBN reporter Mario Dumaual, ngumiti si John Lloyd at sinabing, “I don’t wanna deal with that. Excuse me. Sorry.”

Ang sports new hairstyle ni John Lloyd ay gawa ng kanyang girlfriend na si Ellen Adarna.

Ipinakita ang kinalbong buhok ni John Lloyd sa isang video na ipinoste ni Ellen sa Instagram, na may caption na “Today’s agenda.”

Ang post ni Ellen ay matapos siyang sampahan ng cybercrime, child abuse at libel ng mga magulang ng 17-anyos na inakusahan ng aktres na “paparazzi” dahil sa pagkuha umano nito ng video sa kanya at kay Lloydie sa isang restaurant sa Makati. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..