Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Maraming miyembro ng entertainment industry ang nadidismaya ngayon kay John Lloyd Cruz dahil sa pagiging mailap nito sa kanila.

Kamakailang lang ay inisnab nito Mario Dumaual ng TV Patrol nang mag-request ito sa isang interview sa isang event sa UP.

“Hindi na raw siya showbiz,” sambit ni Mario sa mga showbiz reporers sa sa thank you party ng Regal dahil sa success sa boxoffice ng pelikulang My 2 Mommies.

Sabi ng ilang beteranong showbiz columnists, ang bilis daw makalimot ni Lloydie na ang showbiz ang siyang nagpasikat, nagpayaman at nagpatingkad ng kahusayan niya bilang aktor.

Hindi nga raw nito naabot ang estado nina Robin at Aga Muhlach eh ngayon pa lang nakakalimot na agad sa mga taong tumulong sa kanya para maabot ang kanyang kinalalagyan sa ngayon. (John Vincent)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..