Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Sinariwa ni Jessy Mendiola ang nangyari sa kanya sa aksidente sa daan kung saan akala niya ay mamamatay na siya.

Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ni Jessy ang malaking pasasalamat niya na naka-survive siya rito.

Kuwento ni Jessy, nakatulog ang driver niya kaya’t sumalpok sila sa isang barrier, Miyerkoles ng umaga.

Ang nakakatakot pa umano rito ay tumama ang side kung saan siya nakaupo kaya’t laking pasasalamat niya na walang nangyari sa kanya at walang ibang sasakyan na sumalubong sa kanila nang mga panahon na iyon.

Ngayon ay mas na-appreciate umano niya ang kanyang buhay.

Hindi naman nito idinetalye pa ang nangyaring insidente bagkus ay pinayuhan niya ang ibang drivers o kung sinuman na sakaling inaantok o pagod ay huwag nang piliting magmaneho at huminto at magpahinga muna. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..