Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Winalis ni James Reid ang song, music video, at artist of the year sa 2018 MYX Music Awards na ginanap noong Martes.

Tinalo niya sina Darren Espanto at Sarah Geronimo na iniuwi ang tatlong mahahalagang award.

Hindi man nakadalo ay napanalunan ni Reid ang apat na kategorya gaya ng Male Artist of the Year.

Samantala, dalawang awards ang nasungkit ng bago sa industriya na IV of Spades kabilang na ang New Artist of the Year.

Dumating sa event ang mga dating VJs ng MYX gaya nina Heart Evangelista, Luis Manzano at Nikki Gil.

May pa-tribute rin kay Martin Nievera, na binigyan ng MYX Magna Award at inawitan nina Erik Santos, Morissette, Angeline Quinto, Kyla, Jake Zyrus, KZ Tandingan, Christian Bautista, Yael Yuzon, Karylle, Jed Madela, at Robin Nievera. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..