Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

christian-pasno

Namatay nitong Mayo 14 ang dating contestant ng “The Voice Kids Season 2” na si Christian Pasno matapos maaksidente ang motorsiklo na sinasakyan nito sa Batangas.

Nagtamo ng malalang pinsala sa kanyang utak ang 13-anyos na singer matapos madisgrasya dahil sa pag-overtake umano sa isa pang motorsiklo.

Angkas ang isa niyang kaibigan, nag-overtake ito sa isang motor. Wala umanong headlight ang motor ni Pasno kaya’t hindi nito napansin ang tambak ng lupa kaya’t sumemplang ito.

Tumilapon ang walang helmet na si Pasno sa nakatambak na buhangin sa ginagawang kalsada.

Sinubukan pang i-revive si Pasno ngunit binawian din ito ng buhay.

Naging semi-finalist sa “The voice Kids Philippines” noong 2015 si Pasno sa ilalim ng Team Bamboo. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..