Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


“Masakit”.

Ito ang natatawang pahayag ni Barbie Forteza nang kumustahin kung anong klaseng kontrabida si Gladys Reyes na kasama niya sa Inday Will Always Love You na magsisimula na sa May 21 sa GMA Telebabad.

Si Gladys kasi ang tipong kontrabida na totoo kung mananakit sa mga bida. Hindi siyang yung tipong namemeke.

Pero giit ni Gladys, trabaho lang naman at so far daw ay hindi pa siya nakakaranas na ma-bash mula sa mga fans ng mga bida sa mga teleseryeng kanyang ginawa.

“Ever since, wala naman akong ginawang personal na pananakit. Kaya so far, hindi naman ako naba-bash,” sabi ni Gladys. (John Vincent)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..