Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

yasmien-kurdi-her-husband

 

Nagpaka-sweet misis si Kapuso actress Yasmien Kurdi sa kaarawan ng kanyang asawa na si Rey Soldevilla Jr.

Sa Instagram video na ibinahagi ni Kurdi noong May 14, makikita si Soldevilla na naglalakad patungo sa kanilang garahe at binuksan ito habang naghihintay sa loob nito si Kurdi at anak nilang si Ayesha kasama ang cake at ang regalong kotse.

Hawak ang cake si Yasmien na sinorpresa si Soldevilla ng bagong pulang Honda Civic RS sa garahe nila.

Ayon sa AutoDeal, ang bagong 2018 Honda Civic RS ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa P1.5 milyon.

“Surprise, happy birthday!” sabi ni Ayesha habang kumanta naman si Kurdi ng “Happy Birthday” na sinuklian ng halik ni Soldevilla sa kanyang mag-ina.

“I am so grateful I married a man as wonderful as you,” sabi ni Kurdi sa caption ng video. “Ang swerte ko kasi ang pogi mo, mabait, generous at super humble na tao. I hope you never change in life, because you are absolutely perfect the way you are. I Love You so much! Happy Birthday Pangga.” (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..