Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

prince-bob-dylan

May pa-auction ng dalawang araw ang Julien’s Auctions na magpopokus sa musical artists.

Gagawin ito sa Hard Rock Cafe New York at sa online kung saan mabibili ang memorabilia ng gaya nina Prince, Bob Dylan, George Harrison at iba pa.

Magbubukas ang pasilip dito sa Lunes habang ang mismong auction ay sa Biyernes at sa Sabado.

Ang unang subastahan ay alay kay Prince, ang musical legend na namatay noong April 2016.

Kabilang sa mga gamit nito na ibebenta ang gitara, pati na ang mga damit na kanyang isinuot at mga sulat-kamay na lyrics.

Ang pangalawang araw naman na auction ay mabibili ang mga gitara na ginamit nina Bob Dylan at George Harrison at ang costumes at jewelry nila. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..