Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Sinampahan ng kaso ang actress na si Ellen Adarna ng ina ng 17-anyos na babae na kanyang binully sa social media.

Ito matapos tumanggi si Adarna sa hiling ng ina na batang babae na mag-public apology dahil sa nangyari.

Mayo 4 nang akusahan si Adarna ng Eleila nang i-post nito sa social media ang video ng huli dahil kinukuhanan din umano siya ng dalaga ng video habang nasa isang ramen restaurant sa Makati City.

Subalit paliwanag ni Eleila, hindi niya alam na naroon pala si Adarna at hindi naman umano ito ang kanyang kinukunan kundi ang pagkain nila sa naturang ramen resto.

Hindi pa natapos si Adarna at nagpaliwanag pa ulit sa kanyang Instagram at iginiit na totoo ang hinala niyang kinukunan siya ng larawan at video ni Eleila kaya lumaki ang isyu.

Pero nitong nagdaang Martes, nagtungo ang ina Eleila na si Mrs. Myra Abo Santos kung saan nagsampa ito ng kasong child abuse at cyber libel laban kay Adarna. (John Vincent)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..