Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

jennylyn-dennis

Kumawala sa mundo ng showbiz pansamantala sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Naglamyerda sila sa Balesin Island Club sa Quezon province para ipagdiwang ang ika-31 kaarawan ni Jen.

Sa larawan na ipinoste ng Kapuso actress, makikita ang mga larawan nila ni Trillo kabilang na ang silhouettes habang nagtitinginan sila sa isa’t isa.

Nag-poste rin ng kaparehong larawan si Trillo pero malinaw na ito kung saan kita na nakaharap sila sa isa’t isa ni Jen at nakalagay sa balikat niya ang mga kamay nito habang siya naman ay nakayapos sa girlfriend.

May happy picture din sila kung saan pasan ni Trillo si Jen na nilagyan ng cheesy caption ng una na: “Papasanin ko kahit ang buong mundo para lang sayo, makita ko lang na lumigaya ka ng ganito. Maligayang Kaarawan mahal ko.”

Kasama ng dalawa ang anak ni Jen na si Alex Jazz at pamilya nito sa nasabing bakasyon. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..