Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

gerald-anderson

Sa kabila ng napapabalita o kumpirmasyon na hiwalay na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson, mukhang magkasama pang lumipad patungong Mt. Pinatubo ang dalawa sakay ng helicopter.

Noong Lunes ay ibinahagi ni Bea ang “surprise morning ride” niya sa Mt. Pinatubo pero walang larawan na magkasama sila rito ni Gerald.

Pero kung makikita ang Instagram ni Gerald mayroon din itong kuha sa Mt. Pinatubo at sa isang helicopter na puti na siya ring ipinosteng larawan ni Bea.

Hinala nga ng iba, magkasama ang dalawa rito bilang regalo ni Gerald kay Bea.

“Pinatubo…” sabi lang sa caption ni Gerald sa kanyang IG.

Naging isyu kamakailan ang paghihiwalay umano ng dalawa dahil kay Pia Wurtzbach pero sa ngayon ay inaayos na umano ng mga ito ang kanilang relasyon. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..