Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

aiko-melendez

 

 

Unang pinaramdam ni Aiko Melendez na may relasyon sila ni Subic Mayor Jay Khonghun noong Pebrero nang magpa-picture sila nang magkahawak-kamay at tinawag itong “Happiness.”

Pero hindi pa rin tinitigilan hanggang ngayon si Aiko ng pangba-bash sa kanyang bagong relasyon.

Nito nga lang ay nag-post si Aiko ng pagpalag sa mga tumutuligsa sa kanyang relasyon.

“Hinihintay nyo talaga na magkamali ako ano … My life will never be based on what you think is right for me… This is my life and my choice,” sabi ni Aiko sa post.

“Did it even affect your lives when I make mistakes? Hindi naman diba … so knock it off guys… Get a life… I will not adjust to what you think is right for me… No one is perfect, whoever says they are, hypocrites kayo. It is never my nature to rant but when I am pushed to the wall, I will also defend myself.”

Dalawang beses nang nabigo sa relasyon si Aiko.

Una ay sa asawang si Jomari Yllanna na sinundan ng ikalawa niyang asawa na si Martin Jickain habang si Khonghun ay hiwalay din sa kanyang misis. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..