Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Isang taon na umanong walang karelasyon si actress Vina Morales matapos makipag-break sa French boyfriend niyang si Marc Lambert.

Wala naman silang isyu ng kanyang ex-boyfriend, ‘yun nga lang ay hindi rin nagwo-work ang relationship nila dahil sa distansiya nila sa isa’t isa.

Sinabi ni Vina na nananatili pa rin naman silang magkaibigan ni Marc dahil dalawang taon din ang kanilang pinagsamahan.

Pero ayon kay Vina, may mga pagkakataon na nalulungkot din siya dahil nami-miss din niya ang mga paglalambing kapag nasa isang relasyon.

Sa ngayon ay pokus muna si Vina sa daughter niyang si Ceana na kaka-9 year old pa lang.

Ayaw niya muna itong magtrabaho at gustong i-enjoy muna nito ang childhood hindi tulad niya noon na sa edad na 8-anyos ay sumabak agad sa pagkakaroon ng pera. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..