Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Nakapagtapos ng kursong Bachelor of Arts in Psychology sa Arellano University si Sunshine Cruz nito lang taon.

Iniaalay niya ang tagumpay niyang ito sa tatlong anak niyang babae na nasa poder niya ngayon matapos nilang maghiwalay ni Cesar Montano.

Sa kabila ng natamo, nagpaplano pa rin si Sunshine na kumuha pa ng master’s degree in psychology dahil matagal na niya noong pangarap na makatapos ng college na hindi natuloy dahil sa showbiz.

Sa ngayon ay balik-artista muna si Sunshine sa GMA-7 sa teleserye na “Karibal Ko Ang Aking Ina” kasama sina Bing Loyzaga, Zoren Legapi, Bea Binene, Benjamin Alves at marami pang iba. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..