Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Isang lalaki umano ang pumasok sa bahay ni Rihanna sa Hollywood Hills at namalagi roon ng halos kalahating araw.

Dahil dito kinasuhan ng stalking ang 26-anyos na si Eduardo Leon ng Fullerton.

Kabilang din sa isinampa sa kanyang kaso ang burglary, vandalism, at misdemeanor count ng resisting arrest.

Nag-plead siya ng not guilty sa lahat ng kaso niya sa korte nitong Lunes.

Masuwerte namang wala sa kanyang bahay si Rihanna ng mga panahon na iyon.

Nakita umano ng assistant ni Rihanna si Leon na umakyat sa harang at pumasok sa bahay ng singer noong Mayo 9 saka nitong itinawag sa mga pulis kaya’t nadakip ang lalaki. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..