Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Mukhang hindi pa natatapos ang iringan ng mag-inang Janella Salvador at Jenine Desiderio.

Mayo 13 kasi ay nag-post si Jenine sa Instagram ng video ng kanyang bunsong anak na lalaki habang binabati siya ng Happy Mother’s Day nito.

Sa comments section, isang netizen ang nagsabi kay Jenine na sigurado itong binati siya ni Janella dahil nga sa okasyon pero isang maiksing sagot ang itinugon dito ng una.

(@janellamyheart): “Im sure ur daughter superjanella greet u privately, coz no matter what u r one family. Happy Mothers day. In God time his amaizing power will be done in the right time. God is good.”

(@j9desire): “@janellamyheart No, she didn’t.”

Nagkaroon ng hidwaan ang mag-ina noong 2017 dahil sa mga pagpaparinig ni Jenine sa Twitter na malaki ang kinalaman sa ka-love team at rumored boyfriend ni Janella na si Elmo Magalona. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..