Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Nagkasunod-sunod ang problema noon ni Hashtags member Paulo Angeles kaya lumala ang kanyang depresyon.

Hanggang ngayon umano ay nasa stage of depression pa rin siya.

Dati ay nasasandalan niya ang kaibigan at kamiyembro rin ng Hashtags na si Franco Hernandez kapag inaatake siya ng anxiety at niyayaya siya noon nito sa bahay nila para malibang siya ngunit wala na ito.

Dumating din umano siya sa time na naramdaman niyang wala siyang kasama at walang kaibigan.

Dumaan pa umano siya sa psychological session para makatulong din sa pasanin niya.

Sa ngayon ay patuloy umano siyang lumalaban at nagpapasalamat na walang anumang gamot na iniinom na katibayan na hindi pa malala ang kanyang depresyon.

Kasama si Paulo sa pelikulang “So Connected” nina Janella Salvador at Jameson Blake. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..