Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Nagsampa na ng kasong cyberlibel at child abuse ang pamilya ni Eleila Santos nitong Martes laban kay Ellen Adarna.

Ito ay dahil umano sa pag-akusa sa tinedyer na “paparazzi” dahil sa pagkuha sa kanya ng video sa isang restaurant.

Kinasuhan ni Myra Abo Santos si Adarna sa Pasig City prosecutor’s office.

Dinedma kasi ni Adarna ang hinihinging public apology ng ina ni Eleila upang hindi na sila magsampa ng kaso.

Nag-ugat ang lahat nang kunan ni Adarna ng video at larawan si Eleila at ipinoste ito sa social media bilang ganti umano dahil kinukunan din siya ng 17-anyos na dalagita. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..