Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Totoo kaya ang balitang in-unfollow na umano ni Cristine Reyes ang asawa niyang si Ali Khatibi sa social media?

May ilan kasing fans ni Cristine ang nakapansin nito.

Makikita kasi sa Instagram ni Cristine na limang tao na lang ang pina-follow nito at wala rito ang pangalan ni Khatibi.

Noong Lunes naman ay naka-follow pa si Khatibi kay Cristine.

Umusbong na naman tuloy ang espekulasyon ng ilan na hiwalay na nga ang dalawa.

Kamakailan kasi nang mag-post ng nakakaintriga si Cristine kung saan humihingi siya ng dasal.

At nitong Abril nga ay sinabi ni Ara Mina, na kapatid ni Cristine, na normal naman sa mag-asawa na may hindi pagkaka-intindihan pero hindi nito kinumpirma o dineny na may gusot sina Cristine at Ali. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..