Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Good news sa fans ng 90’s boyband.

Matapos ang tatlong araw na countdown sa social media, inanunsiyo na sa wakas ng Backstreet Boys na magbabalik sila sa ilalabas na brand-new single.

Sa Mayo 17 nga ay maririnig na ang kanta nilang “Don’t Go Breaking My Heart”, na kasunod ng matagal na nilang 2013 album na “In a World Like This”.

Nitong Biyernes ay nag-post sa Twitter ang Backstreet Boys ng larawan nilang silhouette na may caption na “Ready…” na sinundan ng “Set…” at “Don’t Go…”

At nito ngang Lunes (May 14), sinabi na ng grupo ang bagong kanta at ibinahagi ang cover art nito.

Nakilala ang Backstreet Boys, na kinabibilangan nina Brian Littrell, Kevin Richardson, Howie Dorough, A.J. McLean at Nick Carter, sa mga kanta gaya ng “Everybody (Backstreet’s Back)”, “As Long As You Love Me” at “I Want It That Way”. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..