Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Ayaw na umanong ituloy ni Megastar Sharon Cuneta ang pelikula nila ng dating asawa na si Gabby Concepcion.

Sa concert ng best friend ni Sharon na si Zsa Zsa Padilla ay tinuldukan na ni Shawie ang laging nauudlot nilang pagsasama sa pelikula ni Gabby na hindi ang kampo niya ang dahilan, ayon sa report ng Pep.

“I actually officially resigned from the project! Sabi ko, not next week, next month, next year or any other time in this lifetime,” sabi umano ni Sharon.

Umayaw na rin umano dito ang Star Cinema bosses na sina Malou Santos at Olive Lamasan at inihahanda na lang ng ibang proyekto si Sharon na ibang aktor ang kasama. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..