Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Ibinalita nga ni Heart Evangelista nitong Mother’s Day na magkaka-baby na sila ni Sen. Chiz Escudero sa kanyang Instagram account.

Sinabi ni Heart na mas naging sweet at supportive sa kanya ang asawang senador ngayon, ayon sa report ng Manila Bulletin.

Inamin ni Heart na takot siya sa karayom, kaya kapag nagba-blood test siya ay nagba-blood test din si Chiz.

“He’s very very supportive and even like just getting my blood test, he also took his blood test ‘cause I hate needles. So, he didn’t really need to get a blood test, but he took the blood test so I didn’t feel alone,” sabi ni Heart.

Tatlong buwan umano nilang sinubukan na mag-baby at napakasuwerte umano ni Heart na natupad na ang kagustuhan niyang maging mommy.

Ikinasal sina Heart at Chiz noong Pebrero 15, 2015 sa Balesin Island Club sa Polillo, Quezon. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..