Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Magaling nang kumanta, matalino pa!

Nakakatuwa naman itong si Carol Banawa dahil kahit isinantabi pansamantala ang pag-awit, aba’y heto’t namayagpag naman siya sa kanyang pag-aaral sa US.

Sa Facebook account ni David Cosico, naka-post ang larawan ni Carol, at may caption na:

“Spell Summa Cum Laude… Summa Cum Laude: C-A-R-O-L B-A-N-A-W-A C-R-I-S-O-S-­T-O-M-O! Summa Cum Laude! Congratulations, NURSE Princess Jewel!”

Hindi naman binanggit kung ano kurso ang kanyang tinapos o kung sa master class ba iyon o hindi.

Malaking achievement ito sa kanya kahit na isinantabi niya ang kanyang singing career dito sa Pilipinas para lang makapag-aral sa US.

Nasa Amerika pa rin si Carol kasama ang kanyang mister na si Ryan Crisostomo, at dalawang anak. (John Vincent)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..