Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


May patutsada na naman si singer-actress Agot Isidro sa nangyari kahapon (Mayo 11) sa Korte Suprema.

Napatalsik bilang chief justice si Maria Lourdes Sereno sa botong 8-6 sa ginanap na en banc session.

Dahil dito hindi napigilan ni Agot na maghayag ng kanyang saloobin sa mga senador na siyang dapat aniyang nagdesisyon kay Sereno.

Ani Agot sa kanyang Twitter account, alam naman umano ng mga senador na mangyayari ito pero ngayon lang nagrereak ang mga ito.

“Etong mga senador, issue nang issue ng mga statement. Puede ba? You knew this was going to happen. Bakit ngayon lang kayo nagsasalita? The whole CJ issue was supposed to be yours to decide on. Anyare??? Magtrabaho kasi, wag lang papogi,” sabi sa tweet ni Agot.

Hindi ito ang unang beses na nakihalo sa pulitika si Agot. Naging kontrobersiyal na rin ito matapos niyang tawaging “psychopath” si Pangulong Rodrigo Duterte kung saan katakot-takot na pang-aaway ang natamo nito sa tagasuporta ng administrasyon. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..