Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Nagsama-sama ang mga kaibigan at mahal sa buhay ni Judy Ann Santos sa isang okasyon: ang 40th birthday ng soap opera queen.

Kahapon ang kaarawan ni Juday (Mayo 11), at sa kanyang Instagram post na video sa @officialjudayph, mukhang nag-enjoy at na-touch ang misis ni Ryan Agoncillo sa surprise birthday party na inihanda para sa kanya.

Nagulat at naiyak si Juday nang pumasok siya sa isang room at makita ang mga taong nagmamahal sa kanya para sa kanyang party.

“Thank you, wala na ako pwede pang masabi,” sabi ni Juday.

Makikita rin sa video ang tukaan ng mag-asawang Judy Ann at Ryan pati na ang pagsabi ng “I love you” ng kanyang kuya Jeffrey kay Juday sabay halik sa noo nito.

Nagbigay-buhay din sa party ang pagkanta ng “Magasin” ni Ely Buendia at ang mag-duet nina Juday, Angelica Panganiban at Sarah Geronimo ng kanta ng Aegis na “Luha”.

Kita rin ang saya ni Juday nang ipa-blow sa kanya ang kandila sa birthday cake niya. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..