Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Nagbalik-tambalan nga sa telebisyon sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap sa pamamagitan ng “Sana Dalawa Ang Puso”.

Ayon kay Jodi, mas lalo pang dumami ang mga natuklasan nila sa isa’t isa sa muli nilang pagsasama sa telebisyon.

Gaya na lamang na sa edad ni Richard ay napakatalas pa umano ng memory nito, ayon kay Jodi.

Sabi pa ni Jodi, mas naging open na sila sa isa’t isa at mas lumalim pa ang pagkakaibigan nila dahil sa “Sana Dalawa Ang Puso”.

Samantala, aminado ang Kapamilya actress na nahirapan siya sa tatlong roles na ginagampanan niya ngayon sa “Sana Dalawa Ang Puso”.

Dati kasi ay dalawa lang ang karakter niya: sina Mona at Lisa. E ngayon umano ay mayroon nang Mona na nagpapanggap na si Lisa na nadagdag sa karakter niya.

Kailangan umano niyang ikondisyon ang sarili niya kung sino ang gagampanan niya ng araw na iyon. Pero sa kabila nito ay masaya naman umano siya dahil challenging ang roles niya. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..