Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Nagkaroon umano ng instant chemistry sina JM de Guzman at Barbie Imperial sa ABS-CBN afternoon series na “Araw Gabi”.

“Kinilig ako… Effortless ang chemistry,” ani JM patungkol sa pagtatambal nila ni Barbie.

Ani JM, magaan umano kasama si Barbie at nailabas nito ang pagiging parang bata niya at pagiging makulit.

Kaya naitanong tuloy sa kanila kung posible bang mauwi sa romantic feelings ang nararamdaman ni JM kay Barbie.

Inasar ni JM si Barbie na katabi niya at sinabing, “Puwede ba? Single ka naman ngayon, ‘di ba?”

Kitang natulala naman si Barbie at hindi malaman ang isasagot kay JM bago siya natawa at bumitaw ng litanyang, “Minsan talaga ang sarap sapakin ng mga pinapangunahan kang mag-announce, e, ‘no?”

Lalo pang inasar ni JM si Barbie ng, “I’ll cry with you. I’ll comfort you. Gusto mo rebound?” na nauwi naman sa tawanan ng dalawa. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..