Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Nahaharap sa pagsubok ngayon si Michelle Madrigal.

Sinabi ni Michelle sa kanyang Instagram account na na-diagnose siyang may Hashimoto’s Disease.

Ayon sa Mayo Clinic, isa itong kondisyon kung saan inaatake ng immune system ang thyroid.

Ang thyroid ay isang maliit na gland na nakalagay sa leeg sa ilalim ng Adam’s apple, na siyang responsable sa pagkontrol ng metabolism.

Sabi ni Michelle: “It means that my immune system makes antibodies that attack the thyroid gland.

“The thyroid becomes damaged and can’t make enough thyroid hormones.”

Dahil dito, lumalaki ang thyroid o goiter niya.

Pero hindi umano siya maggi-give up at nagsimula nang mag-diet para mabawasan ang epekto nito.

“I know healing my gut is just the first step, but dealing with daily stress and emotional flare ups is also another thing.

“I really am on a huge ‘transition phase’ of my life this year.

“So here’s to healing naturally and being healthy from the inside out!” sabi pa ni Michelle. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..