Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Isang netizen ang naghayag ng kanyang saloobin at nagtanong hinggil sa tunay na relasyon nina Maris Racal at Sue Ramirez.

Depensa ng Kapamilya actress na si Maris, best of friends sila ni Sue at ganoon na umano sila kalapit sa isa’t isa mula pa dati.

Sabi ng netizen na si @EmeraldstoneNew, kinikilig siya sa MarNigo love team (Maris at Iñigo Pascual) pero nawawala ito kapag nagbibiruan sina Maris at Sue hinggil sa pagiging lesbian.

“[I]f they are, then they should come out and be honest, di yung ginagawa nilang biruan ang pagiging LGBT dahil lumalabas na nanloloko sila ng mga tao,” tweet pa ng naturang netizen.

Imbes na patulan ito at magalit, nilinaw ni Maris na: “Ganyan naman po talaga kami ni Sue ever since naging magkaibigan kami.”

“Nagka malisya lang po dahil sa mga emojis na ginagamit namin. Di naman kami nagalit, in fact po natuwa po kami kasi andaming sumusuporta sa LGBT. Pero wala po kaming relasyon.”

Gumamit kasi sina Sue at Maris ng rainbow emoji sa kanilang mga larawan, na kilalang simbolo ng LGBTQ community.

Ipinagtanggol naman ng ilang fans si Maris at sinabing:

@NDemsicat: If you know Maris personally malalaman mo na sobrang sweet at clingy niya sa lahat ng malapit sa kanya esp. sa friends. Her relationship with Sue is not a big deal. Wag natin lagyan ng malisya. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..